Iba talaga nagagawa ng sobrang free time, lalo na sa work. Nakatungaga sa harapan ng computer, nagpapatay ng oras. Sobrang sayang sa talento ang trabaho ko ngayon pero magaan at maluwag ang mga Gawain. Kaya kahit wala pa sa kalahati ng sinasahod ko dati ang kinikita ko buwanan, pwede na. Ang importante lang naman sa akin, may hanapbuhay akong matatawag at may pera akong naiuuwi sa bahay. Nakaktawag. Parang wala akong pangarap sa buhay kung titingnan ang buhay ko ngayon. Marahil dahil naranasan ko na halos lahat ng gusto ko maranasan. Halos lahat. May iilan pa siguro akong gusto maranas bago ako pumanaw. Pero yung mga yun ay mga pawang luho na lamang. Kaya siguro hindi ko na din sila iniisip masyado.
Gusto ko umakyat ulit ng bundok. Medyo matagal tagal na din ng huli akong nakaakyat. Hindi na masyado kaya ng katawan ko ngayon. Marami ng iniinda. Gusto ko tumakbo ulit sa marathon. Pero kagaya ng una, hindi na din kaya. Gusto ko maranasan ang sky diving. Masyadong mahal at sobrang luho na sya sa buhay kaya hindi ko na lang iniisip. Gusto ko din subukan ang gun range at archery range. Pero kagaya ng sky diving, sobrang luho ang tingin ko sa kanila kaya tama ng manatili silang pangarap.
Naalala ko bigla yung panahon na kaya ko gawin lahat ng gusto ko. May sobra sobra akong pera at lakas ng katawan para gawin ang gusto ko. Sa sobrang tiwala ko sa sarili at sa katigasan ng ulo ko, pinagpilitan kong gawin ang mga gusto kong gawin kesa sa mga kailangan kong gawin. Nalulong ako sa sugal at sa panglalalake. Hangang sa naubos lahat. Hangang sa nawalang lahat. Nasa isip ko noon, madali lang kumita ng pera at dapat habang bata, magpakasaya ako. Hindi ko naisip na dapat pala, habang bata, dapat mag impok ako. Para pagtanda, doon ako mageenjoy. Dahil pagtanda, doon ako maraming oras. Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi.
Pagsisisi. Ah, yan siguro ang dahilan kung bakit hangang ngayon hindi ko mapatawad sarili ko sa mga kasalanan nagawa ko sa ibang tao. Yung mga kasalanan ko kasi sa sarili ko hindi ko na iniisip. Pero yung sakit na nagawa ko sa iba, yun siguro ang hinding hindi ko kayang bigyan patawad ang sarili ko. Biruin mo, tumagal ang relasyon ko noon sa ka-live in ko ng mahigit tatlong taon na umaasa lang ako sa kanya. Sya ang bumubuhay sa aming dalawa. Alam kong nahihirapan na sya, alam kong nasasaktan na sya, pero wala akong ginawa. Ilang beses nya ko binigyan ng pagkakataon para bumangon pero binalewala ko lang lahat. Nagpalipat lipat akong trabaho kasi gusto ko "big time" ako ulit agad-agad. Pero ang pinakamasakit na ginawa ko sa kanya, alam kong hindi ko na sya mahal pero pinatagal ko ang relasyon namin. Masyado na kasi akong naging kumportable na kasama sya sa buhay na hindi ko na inisip ang sarili nyang kaligayahan. Iniisip ko na lang noon, maligaya naman sya sa akin kaya ayos na yun. Alam kong niloloko ko lang ang sarili ko pero parang mas mabuti na yun kesa iwan sya at lalong mawalan ako ng tutulong sa akin.
Bukod sa kanya, ilang kaibigan din ang niloko ko. Isa sa kanila ang kaibigan kong blogger na taga Saudi. Naikwento ko sa kanya ang problema namin sa pera ng kinakasama ko noon. Nagpasya syang tumulong dahil mukha naman daw akong mabuting tao. Kahit masakit sa loob ko, tinangap ko ang paunang tulong nya. Pero ng maubos ko yun sa sugal, kung ano anong dahilan ang inimbento ko para lang makahu ng pera sa kanya. Halos buwan buwan nagpapadala sya ng pera sa akin. At tuwing magpapadala sya, pinapatalo ko lang sa sugal. Puro ako pangako sa sarili ko at sa kanya na babayaran ko sya, na may inaantay lang akong "deal" na matapos at magkakapera ako ng malaki. Alam ko naman na pangloloko yun pero tinuloy tuloy ko lang. Nasa isip ko noon, kung mananalo ako ng malaki sa sugal, tapos lahat ng problema ko. Kaso, hindi nangyari. Huli na ng matangap ko na talagang walang nananalo sa sugal. Umabot sa mahigit tatlong daang libo ang nakuha ko sa kanya na sana'y pampagawa nya ng bahay ng magulang nya. Napakawala kong kwentang tao. At kung tatanungin mo ngayon kung nakakabawas ba ako kahit paunti unti sa mga utang ko sa kanya? Syempre 'hindi' ang sagot ko. Hindi lang dahil ayaw na nya ko makausap at makita. Hindi ko din naman sya kayang bayaran sa ngayon kahit paunti unti. Dahil sa ngayon, yung ibang taong pinagkunan ko ng malaking halaga noon ang inuuna ko bayaran. Yan ay kung may natitira sa sinasahod ko pagkatapos ko gumastos ng parang walang utang.
Gusto ko bang magbago? Syempre gusto. Pero naniniwala kasi ako na walang taong tunay na nagbabago. Maari tayong magkunwari na nagbago, mag adjust, mag adopt, sa kung ano mang sitwasyon natin sa buhay, kagaya ng ginagawa ko araw-araw. Pero sa paglubog ng araw at sa pagharap natin sa salamin, alam natin na ang mukhang nakikita natin ay isang hayop, isang halimaw, na aksaya lang sa espasyo sa mundo at dapat ng mamatay. Siguro, kapag namatay ako, baka sakali, mabawasan ang galit ng mga taong nasaktan ko sa akin.
Kuya, smile :)
ReplyDeleteI do smile Kiddo :)
DeleteFor us to survive in life, difficult people and difficult circumstances should changes us. If no change has happened, then maybe it's not difficult enough.
ReplyDelete*change
DeletePeople do not change. We adapt to survive. We pretend to change to make other people happy. We lie about changing. We can even lie to ourselves that we really did change. And then, one day, we wake up and realize, that we're the same animal that we were all this time.
DeleteI believe that people can indeed change for the better. :)
DeleteOr rather evolve, if "change" is not the right word.
Deleteevolve. the concept of evolution sounds nice. science says humans evolved before and we are still evolving today. maybe that's true, maybe it's not. I hope we live long enough to know the truth :)
Delete