Showing posts with label RIP. Show all posts
Showing posts with label RIP. Show all posts

Friday, July 17, 2015

I Just Commited Murder

 
OK, just to clear it up, I actually, didn't kill anyone... yet.
 
Earlier today, I became a blood donor. I've always wanted to do it. That's why even though the schedule for our office blood drive was way off my office schedule, I made an effort to be there, just so I can give some of my blood away.
 
That's a good deed right? Well, I'm not entirely sure.
 
Before they took my blood, they asked a bunch of questions that I didn't answer with complete honesty. In short, I lied.  That's how bad I want to experience this 'blood donation' thing. And in the course of doing so, I may have killed someone, in the near future.
 
One of the things that they asked was about medication. I told them it's been months since I last took one, but in reality, it's just been a couple of weeks. And it's not just any over the counter meds, they were antibiotics with penicillin content. They told me that I can't donate my blood until it's been a month from the last medication I took, so I lied. That means, there's a slight possibility that my blood still has some left over penicillin in them, and if the worse is to happen, that blood will be given to someone that's allergic to penicillin, boom, instant death.
 
I also lied about having any medical procedure. I had a tooth extraction recently, hence the reason for the medication. And in one of the question, they specifically asked about it because the anesthetic medication would take at least thirty days to circulate out of my body. And the anesthesia that I requested for my dentist to use why high grade, meaning it is definitely still in my system. Boom, another instant death.
 
Knowing the potential risk of killing someone with my 'bad blood', I still proceeded with the donation, without the knowledge of the PRC (Philippine Red Cross) or my office. The idea of killing someone was just so mundane for me,, when compared to finally experiencing the thrill of donating your own blood.
 
Call me a psycho. Call me a killer. It just doesn't matter.
 
I'm such an evil person :)

Friday, May 8, 2015

The Dark Ages

Iba talaga nagagawa ng sobrang free time, lalo na sa work. Nakatungaga sa harapan ng computer, nagpapatay ng oras. Sobrang sayang sa talento ang trabaho ko ngayon pero magaan at maluwag ang mga Gawain. Kaya kahit wala pa sa kalahati ng sinasahod ko dati ang kinikita ko buwanan, pwede na. Ang importante lang naman sa akin, may hanapbuhay akong matatawag at may pera akong naiuuwi sa bahay. Nakaktawag. Parang wala akong pangarap sa buhay kung titingnan ang buhay ko ngayon. Marahil dahil naranasan ko na halos lahat ng gusto ko maranasan. Halos lahat. May iilan pa siguro akong gusto maranas bago ako pumanaw. Pero yung mga yun ay mga pawang luho na lamang. Kaya siguro hindi ko na din sila iniisip masyado.
 
Gusto ko umakyat ulit ng bundok. Medyo matagal tagal na din ng huli akong nakaakyat. Hindi na masyado kaya ng katawan ko ngayon. Marami ng iniinda. Gusto ko tumakbo ulit sa marathon. Pero kagaya ng una, hindi na din kaya. Gusto ko maranasan ang sky diving. Masyadong mahal at sobrang luho na sya sa buhay kaya hindi ko na lang iniisip. Gusto ko din subukan ang gun range at archery range. Pero kagaya ng sky diving, sobrang luho ang tingin ko sa kanila kaya tama ng manatili silang pangarap.
 
Naalala ko bigla yung panahon na kaya ko gawin lahat ng gusto ko. May sobra sobra akong pera at lakas ng katawan para gawin ang gusto ko. Sa sobrang tiwala ko sa sarili at sa katigasan ng ulo ko, pinagpilitan kong gawin ang mga gusto kong gawin kesa sa mga kailangan kong gawin. Nalulong ako sa sugal at sa panglalalake. Hangang sa naubos lahat. Hangang sa nawalang lahat. Nasa isip ko noon, madali lang kumita ng pera at dapat habang bata, magpakasaya ako. Hindi ko naisip na dapat pala, habang bata, dapat mag impok ako. Para pagtanda, doon ako mageenjoy. Dahil pagtanda, doon ako maraming oras. Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi.
 
Pagsisisi. Ah, yan siguro ang dahilan kung bakit hangang ngayon hindi ko mapatawad sarili ko sa mga kasalanan nagawa ko sa ibang tao. Yung mga kasalanan ko kasi sa sarili ko hindi ko na iniisip. Pero yung sakit na nagawa ko sa iba, yun siguro ang hinding hindi ko kayang bigyan patawad ang sarili ko. Biruin mo, tumagal ang relasyon ko noon sa ka-live in ko ng mahigit tatlong taon na umaasa lang ako sa kanya. Sya ang bumubuhay sa aming dalawa. Alam kong nahihirapan na sya, alam kong nasasaktan na sya, pero wala akong ginawa. Ilang beses nya ko binigyan ng pagkakataon para bumangon pero binalewala ko lang lahat. Nagpalipat lipat akong trabaho kasi gusto ko "big time" ako ulit agad-agad. Pero ang pinakamasakit na ginawa ko sa kanya, alam kong hindi ko na sya mahal pero pinatagal ko ang relasyon namin. Masyado na kasi akong naging kumportable na kasama sya sa buhay na hindi ko na inisip ang sarili nyang kaligayahan. Iniisip ko na lang noon, maligaya naman sya sa akin kaya ayos na yun. Alam kong niloloko ko lang ang sarili ko pero parang mas mabuti na yun kesa iwan sya at lalong mawalan ako ng tutulong sa akin.
 
Bukod sa kanya, ilang kaibigan din ang niloko ko. Isa sa kanila ang kaibigan kong blogger na taga Saudi. Naikwento ko sa kanya ang problema namin sa pera ng kinakasama ko noon. Nagpasya syang tumulong dahil mukha naman daw akong mabuting tao. Kahit masakit sa loob ko, tinangap ko ang paunang tulong nya. Pero ng maubos ko yun sa sugal, kung ano anong dahilan ang inimbento ko para lang makahu ng pera sa kanya. Halos buwan buwan nagpapadala sya ng pera sa akin. At tuwing magpapadala sya, pinapatalo ko lang sa sugal. Puro ako pangako sa sarili ko at sa kanya na babayaran ko sya, na may inaantay lang akong "deal" na matapos at magkakapera ako ng malaki. Alam ko naman na pangloloko yun pero tinuloy tuloy ko lang. Nasa isip ko noon, kung mananalo ako ng malaki sa sugal, tapos lahat ng problema ko. Kaso, hindi nangyari. Huli na ng matangap ko na talagang walang nananalo sa sugal. Umabot sa mahigit tatlong daang libo ang nakuha ko sa kanya na sana'y pampagawa nya ng bahay ng magulang nya. Napakawala kong kwentang tao. At kung tatanungin mo ngayon kung nakakabawas ba ako kahit paunti unti sa mga utang ko sa kanya? Syempre 'hindi' ang sagot ko. Hindi lang dahil ayaw na nya ko makausap at makita. Hindi ko din naman sya kayang bayaran sa ngayon kahit paunti unti. Dahil sa ngayon, yung ibang taong pinagkunan ko ng malaking halaga noon ang inuuna ko bayaran. Yan ay kung may natitira sa sinasahod ko pagkatapos ko gumastos ng parang walang utang.
 
Gusto ko bang magbago? Syempre gusto. Pero naniniwala kasi ako na walang taong tunay na nagbabago. Maari tayong magkunwari na nagbago, mag adjust, mag adopt, sa kung ano mang sitwasyon natin sa buhay, kagaya ng ginagawa ko araw-araw. Pero sa paglubog ng araw at sa pagharap natin sa salamin, alam natin na ang mukhang nakikita natin ay isang hayop, isang halimaw, na aksaya lang sa espasyo sa mundo at dapat ng mamatay. Siguro, kapag namatay ako, baka sakali, mabawasan ang galit ng mga taong nasaktan ko sa akin.

Monday, February 3, 2014

A Short Post About Puke And Death

We watched Paranormal Activity: The Marked Ones yesterday. It was a so so film. I got bored halfway through it. The other half I spent inside the restroom puking my guts out. It was filmed "documentary" style so the camera wobbles and shakes all the time. It was hard to keep focus on one single point. I do have to give it to the actors. They were all natural, as if they're really just enjoying themselves while the producers and the director robbed the masses of their hard earned cash. Note to self: Never watch a movie trying to milk and already dried up cow.

PA: TMO rating is 1 star.
 


On other news, I was really surprised and disappointed to hear that Phillip Seymour Hoffman passed away. Yeah, it's drug related they say. And yes, we shouldn't celebrate someone who lived off drugs. But he is an actor of a very high caliber. Though I never liked him in most of his film, he is one actor that I know I can banked when it comes to choosing a great script and story. I will miss his acting chops. RIP PSH.