I usually write in English. It's the written language that I am more comfortable in expressing myself but for the purpose of this entry, I will write in the vernacular to impress the needed emotion and the gravity of the message.
Marami na akong nakarelasyon. Bata pa lang ako, marami na akong napaiyak na tao. Nagsimula lahat sa una kong "gelpren" nung elementary ako. Highschool sya, grade six ako. Sya ang first kiss ko. Kabata-bata ko nung lumandi ako. Pero ano nga bang alam natin noon di ba? Basta ang alam ko, masaya ako kasi meron ako na wala ang mga kaklase ko. Tumagal ang relasyon namin ng mga tatlong lingo. Ang tagal na nun para sa isang bata kaya halos isang buong araw akong hindi nakakain. Tandang tanda ko pa yun. Bata pa lang ako drama king na ako.
Simula noon, nagpapalit palit na ako ng gelpren. Maraming babae na umiyak, nagalit, at nasaktan. Sino ba naman kasi ang matutuwa kapag nalaman mo na ang boyfriend mo pa lang tutoy pa ay pinagsabaysabay kayong tatlo na magbabarkada. Pogi ko din noh?
Highschool ako noon ng magsimula akong makipaglaspagan sa mga babae. Isa sa umaga, isa sa tangali, isa sa gabi. Hayok na hayok lang ako sa laman. Ang sarap kasi. Kakaiba ang feeling. At syempre, dahil panahon pa ni mahoma at kopong kopong, walang kapo-kapote ito. Bira ng bira, tira ng tira, sarap na sarap. Kapal ng mukha, lakas ng loob. Boom!
Tumigil ang lahat nung tumungtong ako ng kolehiyo. Paano ba naman, delay ng dalawang lingo si gelpren! Katakot ampupu. Ang alam ko ako ang hari ng sablay eh bakit ganun bakit parang nasapol ngayon? Hindi ko alam gagawin ko nun kasi hindi pa ko handa maging tatay. Sarili ko nga hindi ko maayos magdadala pa ako ng bata sa mundong ibabaw? Anakampusangalangwalangkilay! Ayaw, ayaw, ayaw.
Nadala ako dahil dun. Kaya sa buong taon ko sa kolehiyo, birhen ako ulit. Wala munang babae. Wala munang putahe. Aral muna. Good boy muna ako. Sarap buhay. Galing galing. Dami ko naipon. Walang magastos na gelpren na kailangan regaluhan at dalin sa motmot.
Nakapagtapos naman ako ng wala pang panganay. Pero dahil malaya na ako, naisip ko ng bumalik sa buhay pabling. Pero pero pero dahil nagpaka alive alive ako, kinalawang na ata kukote ko. Isa na akong naglalakad na torpe. Depress-depress-an ako. Araw araw inom. Hangang sa natsambahan ng isang barkada ko. Sarap ng inuman, parehong nalasing, may gumapang, may nagpagapang.
Dahil sa nangyari, nagbago ang pananaw ko sa buhay. Napaisip ako ng matindi at dahil bawal ako nagiisip, may kung anong butete na gumalaw sa utak ko. Bakit nga ba hindi ko pasukin ang mundo na hindi ko pinasok noon? Wala naman mawawala kung susubukan. Marami na akong matutunan, mageenjoy pa ako. Kaya ako'y tumalon, tumakbo, kumadirit, nag split, sabay kindat sa mundong aking ginagalawan ngayon. At dahil totoo ang kasabihang "History Repeats Itself" ako'y bumalik sa buhay pabling. Sa buhay "tres" - isang tao sa umaga, isa sa hapon, at isa sa gabi.
Suma total, naka tatlong gelpren ako pero hindi ko na mabilang kung ilan ang naging pampalipas oras at init lang. Sa kabilang dako ng bahaghari naman, nasa pang apat na ako na boypren. Hindi ko na din mabilang kung ilan ang nakahati ko sa magdamag. Sama mo na din sa umaga, tangahali, at hapon. Nakakapagod pero marami akong natutunan. Marami akong nalaman. Kaya ko na siguro sabihin na alam ko na kung anong dapat at hindi dapat gawin para maging "successful" ang relasyon ko. Yun nga lang, panahon lang ang magpapatunay.